Dear Dudung,

 

Kailangan na naman nating mag-usap. Lockdown na lockdown, bakit mo naman sinaktan si Inday? Alam mo namang fragile ang heart niyan (not to mention, pokmaru din at times), but it doesn't give you the right to take advantage of it. I understand na marami talagang instances na magulo (at maingay) si Inday pero sa totoo lang, ang gusto lang talaga niyan is mahalin mo siya'ng tunay. Nakalimutan mo na ba?

 

"She is more precious than rubies. Charm is deceptive, and beauty does not last; but a woman who fears the Lord is to be praised." - Proverbs 31:10, 30

 

Parehas kayong anak ni Papa (paki-pronounce 'to Dudung ng tama, please lang. Papa as in español na mayaman) at parehas Niya kayong pinapahalagahan. So diba, dapat respetuhan. Naghintay ka na rin lang, panindigan mo na. Dahil ang puso inaalagaan, hindi pinaglalaruan.

 

Sabi mo sakin iba ka pero yun pala pare-parehas lang kayong lahat! Parehas ka lang pala nila! Chos!

 

Alam ko naman na hindi ka ninja, Dudung. Alam kong kaya mong harapin si Inday. Ang akin lang, sana lubos mong maunawaan yung wisdom na sinabi ko sayo since birth dahil malaking bagay talaga ito:

 

High Expectations + Low Preparation is a Deadly Combination.

 

Kailangan handa ka na talaga. Since ikaw rin naman ang magiging head ng family soon, might as well master the heart and the timing ni Papa. By the way, kinakausap mo pa ba si Papa? Alalahin, low preparation will have a high (and damaging) impact in marriage later on.

 

Speaking of low, okay lang yung low budget. Kasi kaming mga Inday, hindi lang kilay is life; sometimes, kwek-kwek is lifer. Willing to adjust naman kami so keribels lang. Mas masaya pa nga ang simple basta ikaw ang kasama, Dudung. Nakanaman!

 

Iwanan kita ng "4 Simple Ways on How to Take Good Care of Inday's Heart":

 

#1 Don't pursue if you can't commit. Huwag mong paasahin kung hindi mo kayang mahalin.

 

#2 Be pure and sure. Pure ang motibo, sure sa iisa. Hindi pwede ang labo-labo dahil hindi ka naman plastic labo. Kapag nag-commit ka, it means yes to one and no to others.

 

#3 Pray for her and encourage her to do the right thing. Hay naku Dudung kung alam mo lang, napakalaking tulong nito kay Inday, pramis! Man up!

 

#4 Mag-usap kayo ni Papa. Ito ang pinakaimportante. Kailangan settled ito sa langit bago sa lupa dahil kung hindi, baka mauwi pa sa impyerno. Before you pursue the "Right Inday," aim to be the "Right Dudung" muna.

 

O sya, nawa'y maging maayos ang lahat at kakausapin ko rin si Inday.

 

Hart-Hart.

 

#HelloDudung

#SagotKitaInday

© KF Abellar 

fb.com/thebaskateof

Dear Inday, 

Kumusta ka na? Nakausap ko na si Dudung at mukhang nahimasmasan naman siya (sana tuloy-tuloy na). Sorry di kita nasulatan agad kasi nag-usap pa kami ni Papa. Uy siyanga pala, bumisita si Facundo sa Hacienda! Ayun, masaya naman siya sa buhay niya. Pero... naaalala mo pa ba? 

When we we're younger diba nililibot natin ang Hacienda na bigay sa'tin ni Papa, tapos dun natin nakilala si Facundo? Hahaha! Huling-huli ko yung mga mata mong nag-sa-sparkle na parang Lemon Soda nun, grabeee! Tapos one day, dinalhan ka lang ni Facundo ng isang basket ng mangga, mahal mo na! Jusme Indaaay! Andami kong tawa nun—mga 873! Hahaha! 

Eto pa, pinilit natin ang mga bagay-bagay na siyang hindi ikinatuwa ni Papa. Ang dami nating rason at palusot nun, naalala mo? Hahaha! Andaming nangyari tapos ang ending, ikaw rin ang nasaktan. Ikaw rin ang nahirapan. Ikaw pa nagalit. Kasi sinabihan na tayo eh pero hindi tayo nakinig. Iba ang pagdidisiplina ni Papa, mas mapait pa sa decaffeinili este decaffeinated coffee na iniinom natin dyan sa may kanto nyo. Pero at least kay Papa, alam natin na dahil yun sa lubos na pagmamahal Niya saka kasi He only wants what's best for us. Tama Siya all along (as always). 

At ngayong nandito ka na naman sa crossroads ng puso mo, nais kong ipaalala 'to sayo:

"Promise me, brides-to-be, not to awaken love until the time is right." - Song of Solomon 8:4

Alam mo Inday, hindi ko talaga maintindihan kung bakit masyadong mataas ang EQ (Emotional Quotient) ninyo ni Dudung sa panahon ngayon. Yung masyadong pinapairal ang puso sa almost lahat ng bagay. Tapos gusto nyo pa agad-agad. Ikamamatay mo te?  

You should be growing while you're waiting... until you become the "Right Inday".

Hay... Ewan ko ba sayo Inday, dapat by now natuto ka na eh. Dapat by now naintindihan mo na ang sinabi ni Papa. Para sayo naman yan eh. Anyway, itong ibibigay ko sayo, mag-notes ka. I-highlight mo na rin lahat para ma-remind ka paulit-ulit kasi lahat importante. 

Here's "How to Slay a Dudung," ay mali! erase. erase. 

Here's "How to take good care of Dudung's (and your) Heart":

#1 Kilalanin bago mahalin. To save you both ni Dudung from being brokenhearted, kilalanin nyo munang maigi ang isa't isa. Give it time. Don't rush and huwag puro flirt-flirt lang tapos konting kilig mag-a-assume na. Please lang, Inday! Ikaw ang mas pokmaru dyan. 

#2 Know your worth. Nagiging pokmaru tayo kasi hindi natin nauunawaan ang worth natin bilang isang babae. We pray for our Dudung but we easily forget that Papa is our One True Love. Na Siya lang talaga ang Knight in shining armor natin at kailanman, Siya lang ang makakapuno ng hole or emptiness sa puso natin—hindi si Facundo, hindi si Dudung. 

Kapag nakita 'to ni Dudung sayo—that you respect yourself just the way how Papa created you to be respected, Dudung will also respect you. Walang pera o alahas o kahit ano pa man ang makakatumbas sa halaga mo, Inday. Huwag mong hanapin kay Dudung ang mga bagay na si Papa lang ang makapagbibigay. Papa is always enough, so trust Him! 

#3 May direksyon hindi puro emosyon at lalong hindi magbibigay ng confusion. Isa ito sa talagang inaabangan ko. Ang turo nga sakin ni Papa, Master–Mission–Mate. Alam nyo dapat both ang priorities, lalo ka na Inday, because your heart is so fragile. Love is always a triangle, a three-way street. Kapag niligwak mo si Papa sa triangle, gugulo ang lahat. Unahin mo si Papa, then ang pinapagawa ni Papa, then si Dudung.

#4 Kilig responsibly. Hindi lahat ng atensyong binibigay sayo ay kailangan mo ring suklian ng atensyon. Guard your heart, Inday. Hindi mo rin pwede isisi lahat kay Dudung like kung para sayo pinaasa ka pero sa umpisa palang pala ay klinaro na niya na tropa lang (sana ganito katapang sila Dudung). Mahirap kasi kung lagi ka o kayong nag-a-assume. Your heart is your responsibility, so again, kilig responsibly. 

To love is to be selfless, and there will be times (actually marami 'to) that proving this means letting go and letting God. 

Iiyak pero hindi susuko. Tahan na.

Hart-Hart. 

#HelloInday
#ICareForYouDudung

© KF Abellar 

fb.com/thebaskateof

LIGO

Minsan, gusto mo nalang iligo ang lahat sa dagat. Lahat ng sakit, lahat ng pagkakamali, lahat ng pangit na nangyari mula noon hanggang 2020.

Tapos bigla kang aahon. At sa iyong pag-ahon, dala-dala mo ang bawat butil ng buhanging hinampas ng alon sa iyong pagdating. Ang asin na kumapit sa iyong katawan ay siya ring naglinis sa lahat ng karumihan. Binigkas ng iyong mga labi, "Okay lang masaktan basta tama ang tinahak na daan."

Iba ka na.

Pinili mong maglakad sa ilalim ng napakainit na liwanag kasama ang asin, pati na rin ang buhangin. Kampante ka at payapa ang iyong kalooban dahil alam mong may panibagong pag-asa. 

Iba ka na. 

Mas malakas, mas marunong, mas matatag. Pinili mong gawin ang tama. Pinili mong magpatawad. Pinili mong lalong magmahal. At sa lahat ng ito ikaw ay nagpasya na sa mga susunod pang kabanata, Siya na ang iyong laging kasama. 

Iba ka na. 

Sa wakas, naligo ka na ng Kanyang presensya.

© Words by KF Abellar // Photo by Warren Keelan​

fb.com/thebaskateof

© 2016 by Faith Alliance Bible Church

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now